Ano nga ba ang Demensya?
Ang demensya ay isang pangmatagalan at lumalalang sakit. Ang mga taong may demensya ay nakakaranas ng paghina ng kakayahan ng isip na hindi karaniwan sa normal na pagtanda. Naaapektuhan ng demensya ang memorya, pag-iisip, orientasyon, pag-unawa, kalkulasyon, kakayahang matuto, lengguahe at pagpapasya.
Gabay na Tutulong sa Komunidad sa Pag-aasikaso at Pangangalaga sa may Demensya
Ang toolkit na ito ay para sa sinumang nagtatrabaho sa komunidad na nakapagtapos ng sekondarya o pataas.
Ano ang layunin ng toolkit na ito?Layunin ng toolkit na mabigyan ng training at kakayahan ang mga community workers para:
Inaasahang aabot na sa dalawang bilyon ang bilang ng mga taong may edad na 60 pataas sa taong 2050, halos doble ng bilang noong 2015 (900 milyon) (13). Noong 2019, mahigit 108 milyon ang populasyon sa Pilipinas, kung saan 12% nito ay nasa edad 55 pataas. Tinatayang 5% naman ang nasa edad 65 pataas (60).
Maraming pangyayari ang maaring nag-ambag sa paghaba ng buhay ng mga tao ngayon. Kasama rito ay ang pagpapabuti sa sanitasyon, malinis na tubig, wastong paghanda ng pagkain, mabuting pabahay, mas mahusay na edukasyon, mabuting kamalayan sa kalusugan at mga pagsulong sa agham medikal (61). Maraming mga hamon ang sumasabay sa mahabang buhay, at ang mga ito ay kinakailangang pagtagumpayan upang makamit ng lahat ang mabuting kalidad ng buhay.
Read MorePara sa karagdagang kaalaman ukol sa Demensya, panoorin ang ating mga recorded webinars.
Senyales at sintomas ng Demensya
Alamin dito ang iba’t ibang senyales at sintomas ng Demensya.
I-click ang mga larawan upang madownload at i-share sa inyong social media at mga komunidad!