Ang impeksyong 'severe acute respiratory depression syndrome' coronavirus 2 (COVID-19) ay nag-udyok sa World Health Organization (WHO) na magdeklara ng pandemya noong Marso 11, 2020 (91). Upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19, isang malawakan at hindi pangkaraniwang paghihigpit ay ipinatupad ng mga awtoridad sa kalusugan ng publiko.
Karamihan sa mga taong may demensya ay naninirahan sa mga pamayanan at umaasa sa mga miyembro ng pamilya, kaibigan o propesyonal na caregiver para sa kanilang pang-araw-araw na gawain at mga pangangailangan pangkalusugan. Ang pagkakaroon ng demensya ay hindi nangangahulugan ng panganib na magkaka-impeksyon ng COVID-19 (92). Gayunpaman, ang taong may demensya ay karaniwang mas matanda, may kahinaan, may taglay na higit sa isang matagalang karamdaman, tulad ng diabetes, sakit sa puso o baga, at mga kaguluhang pag-uugali, tulad ng pagkabalisa o delirio, anxiety, depresyon, o problema sa pagtulog, na maaaring magpataas ng pagkakaroon ng COVID-19 (92).
Ang mga paghihigpit dahil sa COVID-19 ay nagresulta sa lockdown; pinatigil ang mga pampublikong sasakyan, ang negosyong hindi kinakailangan sa pang-araw-araw, paaralan, at simbahan ay isinara, at limitado ang pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan. Hinimok ang mga tao na mag physical distancing at manatili sa kanilang mga tahanan. Ang mga paghihigpit na ito, habang kinakailangan, ay maaaring hindi kanais-nais at sanhi ng mga problemang pangkalusugan ng pangangatawan at isip.
Ang taong may demensya na nakatira sa mga komunidad, lalo na ang mga namumuhay nang mag-isa ay ang pinaka-apektado ng mga paghihigpit. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggal ng mga serbisyong pangsuporta para sa kanilang pangangalaga at gawaing bahay(93). Ang pagkawala ng pakikipagsalamuha sa pamilya at mga kaibigan ay maaaring makaapekto sa kanilang kalusugang pisikal, isip, at kabutihan. Ang kawalan ng nakasisiglang gawain ay maaaring humantong sa pagkalubha ng kakayahang pang-isipan at paglala or pagsimula ng kaguluhan sa pag-uugali (94). Ang taong may demensya na hindi naiintindihan ang dahilan ng paghihigpit ay maaari ding pagdulutan ng kaguluhan sa pag-uugali (95). Ang pagkaantala ng kanilang pang-araw-araw na gawi, tulad ng pag-eehersisyo, pakikisalamuha, libangan, o gawaing pangrehabilitasyon ay maaaring humantong sa pagkalubha ng kanilang kakayahang pisikal, isip, at paguugali. Bukod dito, ang kawalan ng ehersisyo ay maaaring humantong sa mas mataas na mga panganib ng pagsalalay, panghihina, at pagkahulog (96). Ang taong may demensya na naninirahan kasama ang kanilang pamilya o tagapag-alaga ay maaaring mapa-ilalim sa mas mataas na panganib ng karahasan, pang-aabuso, at kapabayaan (96). Ang mga may demensya na namumuhay mag-isa ay maaaring manganib sa malnutrition, pagkahulog, problema sa kalinisan, at pamamahala ng mga gamot.
Ang mga suliraning pangkalusugan ay maaaring hindi matugunan dahil ang mga karaniwang medical checkup ay pinagpaliban o hindi itinuloy. Sa kabilang banda, dahil sa takot na biglang magkaroon ng impeksyon dahil sa COVID-19, maaaring hindi mabigyan ng atensyong medikal kapag nagkaroon ng biglaang pagkakasakit. Maaaring limitado ang pagkamit o hirap sa pag-intindi ng impormasyon ukol sa COVID-19 at hirap sa pag-alala ng mga pamamaraan sa pag-iwas at pagkontrol, tulad ng wastong paghugas ng mga kamay o disinfection, physical distancing, at pagsusuot ng mga face mask o face shield. Ang hindi sapat na kaalaman ukol sa telecommunication at video-conferencing ay maaaring magdulot ng pagkalungkot o pakiramdam na inabandona (92).
Ang mga may demensya ay karaniwang may higit sa isang karamdaman, tulad ng diabetes, sakit sa puso o sa baga (97). Ang mga gamot ay may mahalagang tungkulin sa buhay ng mga taong may demensya para sa pamamahala ng kanilang mga sintomas. Kalakip ng pag-aalaga sa taong may demensya ay ang wastong pagrereseta at regular na pagsusuri ng mga gamot upang malunasan ang mga sakit at mapaigting ang kalidad ng kanilang buhay.
Ang mga paghihigpit dala ng pandemya ay isang hamon sa mga taong may demensya at tagapag-alaga. Ang taong may demensya na umaasa sa mga kamag-anak o mga tagapag-alaga para sa mga paalala o tulong sa pamamahala ng kanilang mga gamot ay maaaring maging sanhi sa pagtigil sa kanilang gamutan. Maaaring hindi nila kayang makipag-ugnayan ng harapan sa kanilang doktor upang makipagkonsulta at mabigyan ng reseta ng mga gamot. Ang mga tagapag-alaga ay maaaring natatakot na lumabas ng bahay upang bumili ng gamot sa parmasya.
Naiulat na dumami ang kakulangan ng mga gamot ngayong panahon ng COVID-19 at tinatayang ito pa ay titindi sa pagdami ng mga taong may COVID-19 (98). Maaaring malagay ang mga pasyente sa panganib dahil sa kakulangan at biglaang pagtigil ng kanilang mga gamot. Ang mga may demensya na may kaguluhan sa pag-uugali, na umiinom ng mga psychotropic na gamot ay maaaring labis na maapektuhan at maaaring magdulot ng pagdurusa at mababang kalidad ng buhay sa parehong may demensya at tagapag-alaga (99). Ang mga pagkaantalang ito ay maaaring magdulot ng 'medication nonadherence', na ang ibig sabihin ay lubusang hindi ginagamit ng pasyente ang gamot, o ginagamit sa maling paraan (hal., maling dosis o dalas ng paggamit ng niresetang gamot). Ito ay isang matinding suliranin na nakakadadag sa pasanin ng pagkakasakit, ang panganib ng pagka-ospital, pagkamatay, at paglaki ng gastusin (100).
Ang pangangalaga sa isang taong may demensya ay mahirap na tungkulin. Ang tagapag-alaga ay maaaring isang kapamilya o propesyonal na tagapag-alaga. Ang mga tagapag-alaga ng mga taong may demensya ay may mas matinding stress, pangungulila, depresyon, mababang pagtatasa ng sariling kalusugan, at may nanganganib na bumukod sa iba at magkasakit (101,102). Ang paghihigpit ng dahil sa COVID-19 ay nagdudulot ng mas malaking hamon sa mga tagapag-alaga. Dahil sa kawalan ng suporta mula sa komunidad, ang tagapag-alaga ay may konting panahon lamang para sa sarili at pahinga mula sa pasyente at limitadong pakikisalamuha sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Ang pangambang mahawaan ng COVID-19 ang maaaring makapigil sa kanilang pagdala ng pasyente sa ospital (102). Ang mga propesyonal na tagapag-alaga ay maaaring hindi makapagbigay ng serbisyo dulot ng kinakailangang pagbubuklod o kaya'y hindi sila pahihintulutang magtrabaho dahil sa pandemya (103).
Para sa mga pamilya at tagapag-alaga ng taong may demensya na naninirahan sa pamayanan, mahalagang alagaan ang kanilang pangkalahatang kalusugan, panatilihin silang aktibo at may gawain sa pang-araw araw, at maging alerto sa mga pagbabago sa pag-uugali ng taong may demensya (104).
Ang ibig sabihin ng pagiging aktibo ay ang paghihikayat sa kanila sa mga pisikal, mental at sosyal na gawain. Subalit, ang mga gawaing ito ay maaaring limitahan dulot ng pandemya at ang kaligtasan ng taong may demensya ay dapat isaalang-alang. Kabilang sa mga gawaing pisikal ang pag-ehersisyo. Ang mga ehersisyo sa labas tulad ng maiksing lakad ay iminumungkahi, sapagkat ang panganib ng COVID-19 ay mas mababa sa mga lugar na mahusay ang bentilasyon, kumpara sa looban.
Ang pagtuturo ng bagong kakayahan, o pagsagawa ng mga gawaing online o offline, ay kabilang sa mga gawaing mental. Kabilang sa mga gawaing sosyal ay pakikipag-usap sa mga taong malapit sa kanila sa pamamagitan ng social media, tulad ng Facebook o iba pang platapormang video conferencing tulad ng Zoom o Google. Ang taong may demensya ay maaaring mangailangan ng tulong sa mga tagubilin hinggil sa logging on o off sa mga online platform na ito.
Ang pagkakaroon ng pang-araw-araw na gawain ay makakatulong sa taong may demensya na mapanatag ang kalooban at pag-aalala tungkol sa mga balitang may kinalaman sa COVID-19. Kabilang dito ay ang pagpaskil ng pang araw-araw na iskedyul kung saan madali itong makita, paggawa ng listahan ng mga dapat gawin, simplehan ang mga pang araw-araw na gawain, pagpapalit ng mga nakagawiang gawain sa labas ng gawaing panloob ng bahay, tulad ng pagbabasa, paglaro ng baraha, o mga sining at likhangsining. Ang mga tagapag-alaga at dapat maging alisto sa pagbabantay ng mga taong may demensya dahil ang demensya ay madalas na may pagbabago sa pag-uugali. Ang pagbabago ng ugali ay maaari ding hudyat ng pagkakaroon ng impeksyon, pananakit, o dehydration.
Ang mga tagapag-alaga ay dapat magbigay ng mga simpleng katotohanan ukol sa COVID-19 at magbigay ng malinaw na impormasyon kung paano maiiwasan ang impeksyon gamit ang salitang naiintindihan nila. Gumamit ng payak na pananalita, mga guhit o larawan at ulitin ang impormasyon kung kinakailangan sa isang magalang at matiyagang pamamaraan. Dapat iwasan ang istatistika.
Ang mga tagapag-alaga ay dapat nakamatyag sa mga sintomas ng COVID-19 at kinakailangang alam din na ang mga nakatatanda ay maaaring hindi magkaroon ng mga karaniwang sintomas na lagnat at ubo (105). Kung ang taong may demensya ay may sintomas ng COVID-19, tumawag ng tulong at isaalangalang na maaaring gumamit ng mga platapormang telemedicine sa halip ng mga harapang konsultasyon.
Ang tagapag-alaga ay dapat na mag-ingat upang maiwasan ang impeksyon (105). Kapag sila ay nasa pamayanan, dapat nilang sundin ang mga pangunahing alituntunin sa pagkontrol sa impeksyon, kabilang ang madalas na paghuhugas ng mga kamay, disinfection, physical distancing, at pagsusuot ng face mask at face shield. Ang mga prinsipyong ito ay dapat ding sundin sa bahay - ang paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon ng hindi kukulangin sa 20 segundo bago at matapos mag-alaga, maghanda ng pagkain, gumamit ng banyo, o humawak sa mga latag; huwag paglalapat ng kamay sa mukha; paglilinis sa mga madalas na hinahawakan sa bahay, pati ang ang mga kagamitang medikal na ginagamit ng pasyente.
Ang mga tagapag-alaga o miyembro ng pamilya ay dapat gumamit ng face mask kapag sila ay nasa iisang kuwarto kasama ang taong may demensya, may sintomas man o wala, dulot ng posibilidad ng mga kasong walang sintomas, lalo na sa mga lugar na laganap ang impeksyon.
Sa pangangalaga sa bahay ng mga nakatatanda at iba pang mga taong mas may panganib, pati ang mga taong may demensya, ang mga payak na pamamaraang pamproteksyon ay ang pangunahing paraan sa pag-iwas sa impeksyong COVID-19. Gayunpaman, kung magkaroon ng nakababahalang sintomas ng COVID-19, tulad ng lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan at/o paglala ng delirium, dapat imungkahi ang pagbubukod, at dapat kasama ang: pananatili sa isang kuwartong maayos ang bentilasyon, paglalagay ng hangganan sa pagkilos sa bahay, pananatili sa kuwarto na nakabukod sa ibang kapamilya o pananatili ng hindi kulang sa isang metrong layo mula sa kapamilya, at pagbubukod ng mga kumot, tuwalya, kutsara't tinidor, at gamit sa kusina. Kung walang hiwalay na kuwarto, maglagay ng kumot na magiging pagitan ng may sakit at ibang kapamilya. Dagdag dito, kapag ang taong may demensya ay masama ang pakiramdam o nagpapamalas ng mga sintomas, huwag magpapasok ng mga bisita, maliban sa mga kadahilanang pakikiramay o tulong, at hikayating gumamit ng iba pang plataporma para sa pakikihalubilo at pakikipagugnayan.
Maaaring mahirap para sa mga taong may demensya na sumunod sa mga patnubay ng pampublikong kalusugan, tulad ng social distancing at ang pagsuot ng mga face masks. Maaari din na:
Para sa mga taong may demensya, maaaring mahirap gawin ang social distancing. Madalas ay kinakailangan nila lumabas upang maglakad-lakad, lalo na't mainam ang ehersisyo para sa kalusugan ng lahat. Dahil dito, maaari na:
Upang makipagtalastasan sa isang taong may demensya, kausapin muna siya
Gamitin ang galaw ng iyong katawan at physical contact upang matulungan siyang maging kalma at matiyaga
Para matulungan ang taong may demensya sa bahay:
Kung ikaw ay isang healthcare worker o support personnel at kailangan mong bisitahin ang taong may demensya sa sarili niyang bahay o sa nursing home:
Sa panahon ng pandemya ang tagapag-alaga ang unang tutugon at magbibigay kalinga sa taong may demensya. Samakatuwid kailangang alagaan ng mga tagapag-alaga ang kanilang sarili upang mapangalagaan ang kanilang pasyente. Ang Center for Disease Control and Prevention ay nagbigay ng ilang mga mungkahi upang makatulong na mabawasan ang stress (105).
Kabilang sa mga mungkahi para maisulong ang pagkakaroon ng gamot ay ang mga konsultasyong telehealth, electronic prescribing, continued prescribing, at mga serbisyong tagahatid (106). Sa pamamagitan ng konsultasyong telehealth, ang mga manggagamot ay maaaring makipag-ugnayan sa mga pasyente at tagapag-alaga at ang mga reseta ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng ibat-ibang platapormang social media, tulad ng SMS o text messaging, at ibahagi sa kanilang mga pharmacist (106). Ang bisa ng mga reseta para sa mga maintenance medication ay maaaring pahabain sa loob ng makatwirang panahon. Ang mga parmasya ay maaaring magkaroon ng mga serbisyong tagahatid para ipadala ang mga gamot sa ilalim ng mahigpit na mga pamamaraang pangkaligtasan.
Inihayag ng World Health Organization na saan man, bawat isa na maaaring makinabang mula sa ligtas at mabisang COVID-19 bakuna ay dapat na may mabilis na pag-access, na pangungunahan ng mga taong nanganganib na magkaroon ng malubhang sakit o kamatayan (107). Ang mga taong may demensya ay kabilang sa mga grupo ng populasyon na labis na apektado ng COVID-19 dahil sa katandaan at bilang ng mga karamdaman (108). Mas malaki ang peligro ng taong may demensya na magkaroon ng malubhang impeksyon at mamatay dahil sa COVID-19 kumpara sa mga taong walang demensya. Lubos na inirerekomenda na bigyan ng prayoridad ang taong may demensya sa COVID-19 bakuna (109).
Ang mga programa sa pagbabakuna ng masa ay isa sa pinakamalaking tagumpay ng ikadalawampung siglo para sa pampublikong kalusugan. Ito ay naging dahilan para maiwasan ang milyun-milyong pagkamatay mula sa mga nakakahawang sakit, tulad tigdas o polio (110). Gayunpaman, nitong mga nakaraang taon ay nabawasan ang pagtitiwala ng publiko para sa pagbabakuna dahil sa maling impormasyon na pinalaganap ng social media, kawalan ng tiwala sa mga awtoridad ng pampublikong kalusugan at mga korporasyon, pati na rin ang kawalan ng kaalaman tungkol sa mga sakit na maiiwasan ng bakuna. Ang 'vaccine hesitancy' o pag-aalangan sa bakuna, na ang kahulugan ay ang pag-aatubili o pagtangging magpabakuna sa kabila ng pagkakaroon ng mga serbisyo sa bakuna ay naging isang malaking hamon sa pagtanggap ng ligtas at mabisang pagbakuna (111)
May ilang mga COVID-19 na bakuna ang nagawa at naaprubahan para sa 'emergency use' ngayong may pandemya. Ito ay itinuturing na ligtas at mabisa subalit ang pagtanggap nito ng publiko ay maaaring maging isang hamon. Ito ay sa dahilang ang COVID-19 bakuna ay isang bagong uri na bakuna, ang mga tao o pamayanan ay maaaring mag-atubiling mabakunahan dahil sa mga paniniwala, relihiyon o etniko, o dahil sa pag-aalangan sa bakuna. Upang matugunan ang pag-aalangan ng bakuna, inirerekomenda ang mga sumusunod:
Ang demensya ay nakakaapekto sa kakayahan ng isang tao na pangalagaan ang kanyang sarili at gumawa ng mga desisyon (109). Kakailanganin ng taong may demensya ang tulong ng pamilya o kaibigan kapag malubha na ito kung saan hindi na sila makakagawa ng mga desisyon tungkol sa kanilang kalusugan, pangangalaga, kaayusan sa pamumuhay, at bagay na pinansyal. Ang kakayahang magdesisyon na mabakunahan ay lumilikha ng ligal at etikal na isyu sa mga nag-aalaga ng taong may demensya.
Ang isang taong may demensya na may kakayahang magdesisyon ay maaaring magpasyang magpabakuna o hindi. Kung sasang-ayon ang taong may demensya na mabakunahan, kinakailangang pumirma ng sa nasang-ayunang kaalamang pahintulot bago magpabakuna.
Kung ang isang taong may demensya ay wala nang kakayahang makapagpasya, kailangang gumawa ng isang 'best decisions interest'. Ang 'best decisions interest' ay isang pagpupulong kung saan ay tatalakayin ang pinakamabuting desisyon para sa kapakanan ng taong may demensya. Ito ay kinabibilangan ng taong may demensya, pamilya, doktor o social worker, at taong may kinalaman sa pag-alaga nito. Ang mga kagustuhan at nararamdaman pati na rin ang kultura at paniniwala ng taong may demensya ay dapat isaalang-alang sa proseso ng pagpapasya. Halimbawa, ano ang naging desisyon o karanasan ng taong may demensya tungkol sa pagbabakuna? Nagkaroon ng taunang bakuna sa trangkaso? Ano ang mga naging epekto nito? Ang isang miyembro ng pamilya na may isang 'Pangmatagalang Kapangyarihan ng Abugado' ay dapat konsultahin tungkol sa mga kagustuhan ng pasyente tungkol sa mga desisyon sa kalusugan, tulad ng pagbabakuna. Ang isang pangmatagalang kapangyarihan ng abugado ay isang ligal na dokumento na nagbibigay ng responsibilidad sa isang pinagkakatiwalaang tao (isang malapit na miyembro ng pamilya, kamag-anak, o kaibigan at hindi bababa sa 21 taong gulang) para sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa kalusugan, kapakanan, at pananalapi sa ngalan ng isang taong may demensya (114).