Inaasahang aabot na sa dalawang bilyon ang bilang ng mga taong may edad na 60 pataas sa taong 2050, halos doble ng bilang noong 2015 (900 milyon) (13). Noong 2019, mahigit 108 milyon ang populasyon sa Pilipinas, kung saan 12% nito ay nasa edad 55 pataas. Tinatayang 5% naman ang nasa edad 65 pataas (60).
Maraming pangyayari ang maaring nag-ambag sa paghaba ng buhay ng mga tao ngayon. Kasama rito ay ang pagpapabuti sa sanitasyon, malinis na tubig, wastong paghanda ng pagkain, mabuting pabahay, mas mahusay na edukasyon, mabuting kamalayan sa kalusugan at mga pagsulong sa agham medikal (61). Maraming mga hamon ang sumasabay sa mahabang buhay, at ang mga ito ay kinakailangang pagtagumpayan upang makamit ng lahat ang mabuting kalidad ng buhay.
Tumataas ang posibilidad ng sakit at pagkamatay dahil sa unti-unting akumulasyon ng mga pinsala sa katawan na nararanasan ng mga taong tumatanda. Nag-iiba-iba ang mga pinsalang ito dahil magkakaiba din ang mga matatanda pati na rin ang kapaligiran na kinaroroonan nila (13). Nakararanas rin ang mga tumatanda ng iba pang mga pagbabago tulad ng pagretiro sa trabaho, paglilipat sa ibang lugar, o pagkamatay ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Lahat nang ito ay maaaring humantong sa mental stress.
Ayon sa "World Report On Ageing And Health 2015" ng WHO, ang mahabang buhay ay hindi katumbas ng maayos na kalusugan at kalidad ng buhay ng nakatatanda. Marami sa mga matatanda ang hindi naaabutan ng planong pangkalusugan ng kani-kanilang mga gobyerno. Bilang kasagutan dito, bumuo ang WHO ng "Global Strategy and Action Plan on Ageing and Health" kung saan isusulong nito ang konsepto ng Malusog na Pagtanda (Healthy Ageing) upang makabuo ng mga polisiya para sa matatanda (13).
Proceso ng Malusog na Pagtanda (1)
Ang malusog na pagtanda ay hindi nangangahulugan na ang tao ay walang sakit. Ayon sa WHO, ang malusog na pagtanda ay katumbas ng pagpapanatili ng functional ability o kakayahan. Nag-uumpisa ang malusog na pagtanda sa konseptong tinatawag na intrinsic capacity. Ito ay ang kombinasyon ng mga minanang katangian, mga personal na katangian (katulad ng kasarian, etnisidad, edukasyon at iba pa), at mga katangiang pangkalusugan (katulad ng mga sakit at mga pagbabago sa katawan na dulot ng pagtanda). Kapag ang isang tao ay tumanda sa isang kapaligiran na sumusuporta sa kanyang intrinsic capacity, na tutulong at susuporta sa mga pangangailangan niya, maaari siyang tumuloy sa pagiging produktibong kasapi ng lipunan. Ang kombinasyon ng intrinsic capacity at kapaligiran ay ang tinatawag na functional ability o ang kakayahang magamit o maging kapakipakinabang. Ang pagpapanatili ng kakayahang ito ay ang pinakamahalagang elemento ng malusog na pagtanda. Kasama na rin dito ang konsepto ng resilience o katatagan, na siyang kakayahan ng isang indibidwal na umangkop sa kahirapan at mga banta sa kalusugan (13).
Patuloy ang proseso ng malusog na pagtanda gawa ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng indibidwal sa kanyang kapaligiran. Mabawasan man ang intrinsic capacity ng matatanda, kapag maayos ang sistema ng suporta at tulong na pangkalusugan sa kanilang komunidad, hindi sila kailangang maging pasanin sa lipunan. Maaari silang mabuhay na may awtonomiya at dignidad (13)
Ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ay nagsasagawa ng mga Healthy Lifestyle Program katulad ng exercise, healthy nutrition, at smoking cessation. Mayroong mga programa para sa mga taong may altapresyon o high blood pressure, dyabetes at kanser. Kasalukuyang ipinatutupad ang Universal Health Care kung saan ang mga nakakatanda na may edad 60 pataas ay maaring magpa-geriatric screening sa kanilang health center. Bukod sa posibleng demensya, may mga iba pang sakit ang maaring matutuklasan para angkop na serbisyo ay makamit. (Ang halimbawa ng Geriatric Screening ay nasa Annex IX).
Ang Malusog na Pagtanda ay mahalagang layunin di lamang ng mga nakakatanda ngunit pati na rin para sa pamilya. Ang kakayahang makakilos ng mag-isa ng mga nakakatanda ay nangangahulugan na sila ay malusog at ito ay katuparan ng buhay na makilala sa mga sumusunod na katangian na nakasaad sa Dementia Toolkit:
Ang isang nakakatanda na may kakulangan o wala ng mga nasabing katangiang ito ay maaring ituring na functionally disabled o walang kakayahang makapag-isa dahil sa pagkakaroon ng sakit na matagal na. Ang mga tiyak na dahilan o kung paano makikilala ang kawalan ng kapasidad at pag-asa ng sarili sa iba ay tinatawag na risk factors o mga peligro.
Ang mga pagsisikap ng mga eksperto sa kalusugan mula sa iba’t ibang sangay o uri nito ay dapat patungkol sa pakikibahagi sa mga positibong gawain para mabago o kung hindi man tuluyang mawala ang mga peligrong ito para maiwasan ang pag-asa sa iba at sila’y makakilos ng malaya na nagpapakita o naglalarawan ng isang malusog na pagtanda.
Ang sanaysay o artikulong ito ay tatalakay lamang sa mga maaring baguhin na kadahilanan o peligro sa pagtanda na malusog at hindi sa mga bagay na hindi natin mababago tulad ng genetics, kasarian, etnisidad, intellectual quotient o family background at pati na rin ang bagay na malayo sa mga ito gaya ng economic background, socio-cultural determinants, edukasyon, polusyon sa hangin o pagkalantad sa ingay at init ng araw.
Ang malusog na pamumuhay ay mahalagang elemento o bahagi para tumanda o magka-edad ng malusog. Ang mga taong namumuhay ng malusog hindi lamang mabubuhay ng matagal maari din itong mabuhay ng mahaba na mas malusog. Ang paglitaw o pagdating ng disabilidad at mga sakit na dala ng pagtanda ay maaring maipagpaliban sa mga huling taon ng kanilang buhay. Sa mga maysakit naman, ang pagkakaroon ng magandang pag-uugali o positibong pananaw sa buhay ay napatunayan o nakikitang nakakatulong sa paggaling ng isang may sakit (71).
Ang pamumuhay ng sedentary o yung palagian lamang na pag-upo o hindi kumikilos ay nagiging daan para hindi makakilos ang ating katawan ng mabuti. Maaari din itong magdulot ng mga sakit katulad ng pagbaba ng ating pang-unawa o makaka-apekto din ito sa ating pag-iisip o kaisipan. Sa ibang banda, ang pisikal na pagkilos o pag-eehersisyo ay nakitang nakakapagpabuti sa kabuuang kalusugan ng tao at nagpapa-antala sa pagkakaroon ng mga sakit o problema sa kaisipan (72-74). Ang pisikal na gawain ay ang mga paggalaw ng ating mga buto at kalamnan na nangangailangan ng enerhiya. Ang ehersisyo naman ay planado, maayos at intensyonal na gawain upang mapaunlad o mapanatili ang lakas ng katawan kung kaya ang pag-eehersisyo ay isang pisikal na gawain (75).
Ang pagsisimula ng ehersisyong nababagay sa iyo ay maaring hindi madali kung kaya mas praktikal na pumili ng gawaing ligtas at kagigiliwan mo. Hikayatin natin ang mga matatanda o may-edad na mas kumilos pa at huwag lamang palaging nakaupo. Ang antas ng pagkilos ay dapat maihahalintulad sa antas ng kalakasan ng katawan. May ilang hindi nakatatagal sa 5 minutong panimulang ehersisyo (76). Simulan ito ng mabagal o sa magaan muna at unti-unti itong dagdagan. Sikaping maka-150 minuto man lang na katamtamang tindi o bigat ng ehersisyo bawat linggo, na may 30 minuto na pag-eehersiyo bawat araw na maaring hatiin sa tatlong tig-10 minuto. Kasama rito ang mga ehersisyo para sa endurance o kakayahan kumilos nang matagal gaya ng paglalakad, pagsasayaw o pagbibisekleta pati na rin ang mga ehersisyong pampalakas at para sa flexibility. Gawin ito 2 beses sa isang linggo. Karagdagan din ang pagbalanse na makakatulong para maiwasan ang pagkawala ng balanse o ang mahulog. Ilan sa mga madaling ehersisyo ng pagbalanse ay pagtayo gamit ang sakong, pagtingkayad o kaya naman ay tumayo nang nakasara ang mata na may hinahawakang gabay o may nakaantabay sa inyo. Nakakatulong din ang tai-chi at yoga na mapabuti ang balanse at lakas pati na rin ang kakayahan ng isip (67,68). Maaaring gawin ang ehersisyo habang nakaupo kung hindi kaya ang matagalang pagtayo.
Para masiguro ang kaligtasan habang nag-eehersisyo, mabuting gawin ang mga sumusunod:
Ang mga ehersisyo ay maaring palitan o halihinan o isama sa kanilang mga pang araw-araw na gawain, gaya ng simpleng pag-upo at pagtayo na ehersisyo, pag-aayos ng kama, pagtupi ng damit, paghahanda ng simpleng pagkain, paghuhugas ng plato, pagtatanim o gardening, pagbubuhat ng pinamili, pagwawalis at paglalakad sa bahay o komunidad (77,80).
Ang nutrisyon o pagkakaroon ng sustansya sa ating katawan ay makukuha natin sa pagkain ng wastong uri at dami ng mga pagkaing magdudulot ng sustansiyang kinakailangan ng ating katawan. Mahalaga ito upang mapanatili ang functional ability o mapagana ng mabuti ang ating katawan na siyang mithiin ng malusog na pagtanda. Ayon kay Yamamoto (81), ang nutrisyon ay susi upang masabi na ang isang pamayanan o populasyon sa isang lugar ay malusog at ano mang uri ng malnutrisyon ay maaring magdulot ng mga sakit ng mga tao anuman ang kanilang edad.
Ang pagkain ng wastong uri at dami ng pagkain ay nakakatulong sa isang tao na lumaki ng tama. Tumutulong din ito para magkaroon ng malusog na pangangatawan, isipan at katauhan kung kaya naman ito ay makakatulong din upang maiwasan ang lahat ng uri ng malnutrisyon. Ayon sa World Health Organization sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang sustansya sa ating katawan at sa pagkain ng tamang dami, maiiwasan natin ang mga sakit na nakakahawa.
Source: Evidence-based nutrition intervention included in the WHO e-library of Evidence for Nutrition Actions (eLENA) that may contribute to the achievement of the WHO global nutrition and diet-related NCD targets (82).
Dahil sa nababawasan ang taba sa katawan at bumabagal ang pagsunog ng katawan sa pagkain, mas konti ang enerhiya ang kinakailangan ng mga nakakatanda kumpara sa mga mas bata. Ang pagbawas ng mga pisikal na pagkilos na karaniwan na sa mga nakakatanda ay nakakaapekto din sa mga sustansyang kailangan ng kanilang katawan (Maaring tingnan ang gabay sa Appendix X).
Mga mahalagang paalala:
Source: Pinggang Pinoy, A food guide (83)
Ang mga matatanda ay lantad sa napakaraming peligro sa bahay na maaring maging sanhi ng mga problema na makakaapekto sa kanilang abilidad na mamuhay ng ligtas at maaring humantong sa pagpunta sa emergency room, hospitalisasyon o madala sa nursing home o pagkamatay. Karamihan sa nakakatanda ay may maraming chronic na kondisyon, dahan-dahang pagbaba ng kakayanan (functional decline) at panghihina (frailty) kung kaya’t sila ay mas madaling maapektuhan ng panganib o peligro. Marami sa nakatatanda ay nanatili na lamang sa bahay at kadalasan panatag ang loob nila na ang kanilang tahanan ay ligtas na lugar. Subalit kadalasan, nangyayari ang aksidente sa kanilang tahanan. Kung kaya’t ang masusing pagbabantay sa kaligtasan ng isang nakatatanda sa tahanan ay isang mahalagang aspeto pagkalinga sa kanila. Ang kakulangan ng kaalaman ay maaring maging sanhi ng aksidente tulad ng pagkahulog (84).
Bilang bahagi ng ating adbokasiya para sa malusog na pagtanda, mahalaga na isama natin ang pangangalaga sa kaligtasan ng nakatatanda sa bahay.
Ang kaligtasang pambahay ay binubuo ng mga paraan para maiwasan ang mga sakuna at tanggalin ang anumang makakasama sa kalusugan ng nakakatanda. Paano ba natin ito magagawa? Ito ang mga paraan para mapangalagaan ang kaligtasan sa bahay.
Hagdanan | Sahig | Kusina |
---|---|---|
May mga bagay ba na nakakalat sa hagdanan? Panatilihing walang nakakalat sa hagdanan |
May mga basahan o floor mat ba sa sahig? Tanggalin ang mga basahan o floor mats o kaya gumamit ng hindi madulas na floor mat |
Ang mga bagay bang madalas mong gamitin ay madaling abutin? Ilagay sa mababang estante o kabinet ang mga bagay na madalas gamitin |
Maliwanag ba ang ilaw sa hagdanan? Siguraduhing laging maliwanag ang hagdanan. |
Ang sahig ba ay basa? Panatilihing tuyo ang sahig sa lahat ng oras |
May taguan ka ba ng mapanganib na kemikal tulad ng pang-spray ng lamok, muriatic acid atbp.? Itago ang mapanganib na kemikal sa hiwalay na lalagyan o kabinet. |
May mga sirang baitang ba? Ayusin ang mga balitang na may sira. |
May mga bagay ba na nakakalat sa sahig? Tiyaking walang nakakalat na bagay sa sahig. |
May bulok/sirang pagkain ba sa loob ng refrigerator? Alisin ang sira o expired na pagkain sa loob ng refrigerator. |
Silid-Tulugan | Banyo/Palikuran | Sala |
---|---|---|
Mayroon bang ilaw o malapit na sindihan ng ilaw sa kama? Maglagay ng ilaw o sindihan sa malapit sa kama. |
Madulas ba ang sahig sa banyo? Maglagay ng floor mat na hindi madulas o gawa sa goma. |
Ang telepono ba ay madaling maabot at ang kordon ay hindi nakakalat sa dadaanan? Ilagay ang telepono sa lugar na madaling maabot at ang kordon ay itabi upang hindi ito nakakalat sa dadaanan. |
Ang daanan ba patungo sa palikuran mula sa silidtulugan ay may ilaw at walang mga nakaharang? Panatilihing maliwanag at walang harang ang dadaanan patungo sa palikuran. |
Kailangan mo ba ng makakapitan sa pagtayo at pag-upo sa palikuran o sa pagligo? Maglagay ng hawakan o makakapitan sa palikuran at liguan. |
Madali bang umupo at tumayo galing sa silya o sofa? Maglagay ng silya o sofa kung saan hindi mahihirapang umupo at tumayo |
Ang kuwarto ba ay walang kalat? Siguraduhing walang kalat o bagay sa sahig. |
Ang mga gamot ay isang mapanghamong aspeto ng pag-aalaga ng nakatatanda, mayroon mang demensya o wala. Ito ay lubos na totoo lalo na at dumadami ang mga gamot na iniinom ng isang nakatatanda habang dumadami rin ang kanilang mga sakit. Maaring humantong ito sa polypharmacy na magdudulot ng mas madalas na peligro ng side effect/adverse reaction o di-inaasahang epekto ng maraming gamot. Narito ang mga simpleng patnubay sa pagsasaayos ng mga gamot ng mga nakatatanda, lalo na kung may demensya.
Para sa mga manggagawangpangkalusugan |
|
Para sa nakatatanda, pamilya at nag-aalaga sa nakatatanda |
|
Ang pagbabakuna ay isang mahalagang paraan ng pagpapanatili ng kalusugan at pag-iwas sa mga sakit, may demensya man o hindi. Sa pagkabawas ng pagkakataong magkasakit at magka-kumplikasyon, nananatiling malusog ang isang nakatatanda, aktibo sa mahabang panahon at nababawasan ang pagkakataong mawala ang kakayahan dahil sa pagkakasakit.
Narito ang mga sumunod na bakunang nirerekomenda para sa mga nakatatanda at tuwing kailan ito binibigay.
Bakuna | Kailan ginagamit |
---|---|
Influenza vaccine | 1 dose kada taon |
Tetanus, diphteria, & acellular pertussis (dtap) | 1 dose Tdap, tapos Td o Tdap booster kada 10 taon |
Zoster vaccine (recombinant) | 2 doses. 2-6 na buwan ang pagitan |
Pneumococcal | (stand alone recommendation) PPSV23 x 1 dose (magkasamang pinagpasyahan) PCV13 una, PPSV23 paglipas ng 1 taon |
Importanteng sumangguni sa doktor para sa tamang oras at pagtanggap ng mga bakuna. Siguraduhing kumuha ng mga bakuna sa mga lehitimong pagkukuhanan. Siguraduhin din na propesyonal ang magtuturok ng mga bakuna. Obserbahan ang sarili para sa mga di-kanais-nais na reaksyon sa bakuna. Laging magtabi ng rekord ng mga bakuna para masigurong nasa oras at tama ang lahat ng mga natatanggap.
Ang kalusugang pangkaisipan ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan at kabutihan ng lahat ng mga tao kaya dapat itong kilalanin at gamutin. Ang pinakakaraniwang karamdamang pangkaisipan sa mga matatanda ay ang demensya at depresyon na nakakaapekto sa 5% at 7% ng kabuuang populasyon. Ang pag-abuso sa ilegal na droga, alak, at paninigarilyo ay nakakaapekto naman sa mas mababa sa 1%. Ang dami ng nagpapakamatay ay isang kapat (1/4) sa bilang ng mga pagkamatay sa edad 60 at pataas. Ang matatandang lalaki ang may pinakamataas na bilang ng nagpapakamatay. Isang malaking problema ay ang pagkukulang sa pagkilala o pag-dayagnos sa mga sakit pangkaisipan. May kinalaman dito ang pagkakaroon ng stigma sa ganitong uri ng mga karamdaman kaya nag-aalangan ang mga tao humingi ng tulong para sa mga ito (85).
Demensya
Tinatayang 50 milyong katao sa buong mundo ang nabubuhay na may demensya at 60% nito ay nasa mga mababang o panggitnang kitang mga bansa. Inaasahang ito ay tataas pa sa bilang na 82 milyon sa 2030 at 152 milyon sa 2050. Ang pagdami nito ay mas kita sa mga papaunlad na bansa kung saan 2 sa 3 taong may demensya ang nakatira.
Labindalawang (12) mga salik sa pagkakaroon ng demensya na maaaring mabago ang natukoy at ito ang mga sumusunod: Kakulangan ng edukasyon, altapresyon, kahirapan sa pagdinig, paninigarilyo, labis na timbang, depresyon, kawalan ng pisikal na aktibidad, diabetes, Hindi pakikihalubilo, labis na pag-inom ng alak, pinsala sa utak at polusyon sa hangin. Ang mga ito ay nauugnay sa 40% ng mga demensya sa buong mundo, kung saan maaaring maiwasan o maantala ito. Ang potensyal sa pag-iwas ay mataas at maaaring mas mataas pa sa mga papaunlad na bansa. Ang pisikal na kalusugan ay mahalaga para sa mga tao na may demensya para panatilihin ang kaisipan, kung kaya mahalaga na bigyang diin ang pisikal, panlipunan, at kognitibo na mga aktibidad sa kalagitnaan hanggang sa huling buhay (86).
Depresyon
Ang depresyon ang pinakalaganap na problema sa kalusugang pangkaisipan ng mga matatanda kung saan 7% sa buong populasyon nila ang apektado. Sa pangunahing pangangalaga, kadalasang hindi ito nadadiagnose o nagagamot, lalo na kung may kasabay na pisikal na karamdaman na mas madaling matukoy. Mas mahina ang mga matatanda na may depresyon kumpara sa mga may diabetes at altapresyon. Ang mga kadahilanan ng depresyon sa matatanda ay pagkabalo, mababang antas ng edukasyon, pagkakaroon ng kapansanan, labis na pag-inom ng alak, mahinang kalusugan dahil sa sakit, pagluluksa, problema sa pagtulog, kalungkutan, at may kasaysayan ng depresyon (87). Kahit na may mga kilalang mabisang paggamot para sa mga karamdaman sa pag-iisip, halos 80% ng mga tao sa mga papaunlad na bansa ang hindi nagagamot (88).
Pag-abuso sa Droga o Drug Abuse
Ang problema sa pag-abuso ng sangkap sa mga matatanda ay kadalasang minamaliit. Kapansin-pansin lalo sa kanila ang mali at labis na paggamit ng alak at sigarilyo. Ang mga kadahilanan sa pag-abuso ay ang mga makabuluhang kaganapan sa buhay tulad ng pag-retiro, pangungulila, pagbukod sa lipunan, kakulangan sa pera, at mga karamdaman. Dahil sa mga pagbabagong pisyolohikal sa kanilang mga katawan, ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay maaaring magdulot ng malubhang reaksyon at mas malaking posibilidad ng pagkalason (87).
Tugon ng WHO
Ang Global Strategy and Action Plan on Ageing and Health Of 2016 ay may layuning mapabuti ang mga sistema para lalong matukoy ang pangangailangan ng nakatatanda. Ang konsepto ng WHO na Malusog na Pagtanda ang magiging simula para sa pagbuo ng sistema ng pangangalaga ng kalusugan na abot kaya at madaling makamit. Ang depresyon, demensya at pag abuso ng sangkap ay isinama sa WHO Mental Health Gap Action Program (mhGAP) na may layuning magbigay ng impormasyon at mga kasangkapan para sa mga serbisyong pangkalusugan para sa kaisipan, neurolohical, at pag-abuso ng sangkap sa mga mahirap na lugar. Makatutulong ito para magkaroon ng kakayahan ang mga komunidad upang matugunan ang bawat karamdaman na nabanggit.
Hinihikayat ng WHO ang pagkilos sa demensya sa buong daigdig. Ang Global Action Plan on the PublicHealth Response to Dementia 2017-2025 ay inilabas nitong 2017. Ang mga pagkilos ay nakatuonsa pagdagdag ng kamalayan sa demensya, pagbawas sa panganib ng demensya, mapabuti ang pagdayagnos,paggamot, at pag-aalaga sa mga pasyente na may demensya, pananaliksik at pagbabago, atsuporta sa mga tagapag-alaga.
Ang depresyon ay binigyan ng prayoridad ng WHO Mental Health Gap Action Program (mhGAP). Bumuo ng mga maikling manwal tungkol sa sikolohikal na intervention para sa depresyon na pwedeng ibigay ng mga lay workers. Ang pagbibigay-diin na kayang gamutin ang depresyon ng karamihan sa mga pasyente ay napakahalaga lalo na sa mga papaunlad na bansa na limitado ang pinagkukunan (88).
Noong 2010, ang WHO ay naglabas ng Pandaigdigang Stratehiya para mabawasan ang masamang paggamit ng alak. Nagtuon ito bilang pampublikong kalusugan, adbokasiya at pakikipag-ugnayan, Suportang teknikal, edukasyon para sa publiko at pagkilos ng mga mapagkukunan (89). Ang paggamit ng tobacco ay pumapatay ng mahigit 8 milyong mga tao bawat taon at nananatili itong isa sa pinakamalaking banta sa kalusugan sa mundo. Sa panahon ng COVID-19 pandemic, ang WHO ay naglunsad noong December 8, 2020 ng programang ‘Commit to Quit’, na may layuning tulungan ang 100 milyon na tao para itigil na ang paninigarilyo sa pamamagitan ng paglaganap ng impormasyon at pagtataguyod ng malusog na kapaligiran (90).
Ang malusog na pagtanda ay mahalagang mithiin o layunin di lamang ng mga nakakatanda ngunit pati na rin para sa pamilya. Ito ay inaasam din ng mga health professionals, mga impormal na nangangalaga gaya ng mga caregivers at pati na din ng lipunan.
Ang kakayahang makakilos ng mag-isa ng mga matatanda o nakakatanda ay nangangahulugan na sila ay malusog at ito katuparan o kaganapan ng buhay na makilala sa mga sumusunod na katangian na nabanggit o nakasaad sa Dementia Toolkit:
Ang isang nakatatanda na may kakulangan o wala ng mga nasabing katangiang ito ay maaring ituring na functionally disabled o walang kakayanang makapag-isa dahil sa pagkakaroon ng sakit na matagal na. Ang mga tiyak na dahilan o kung paano makikilala ang kawalan ng kapasidad at pag-asa ng sarili sa iba ay tinatawag na risk factors o mga peligro.
Ang mga pagsisikap ng mga eksperto sa kalusugan mula sa iba’t ibang sangay o uri nito ay dapat patungkol sa pakikibahagi sa mga positibong gawain para mabago o kung hindi man tuluyang mawala ang mga peligrong ito para maiwasan ang pag-asa sa iba at sila’y makakilos ng malaya na nagpapakita o naglalarawan ng isang malusog na pagtanda.
Ayon sa Lancet 2020, may labindalawang kadahilanan o peligro upang magkaroon ng demensya. Itong mga ito ay maaari ding maging sagabal sa malusog na pagtanda. Ang sanaysay o artikulong ito ay tatalakay lamang sa mga maaring baguhin na peligro sa malusog na pagtanda at hindi sa mga bagay na hindi natin mapipigil o mapapamahalaan gaya ng genetics, gender, ethnicity, intellectual quotient o family background. May mga bagay na maaring marating ng isang bansa sa pamamagitan ng mga programang pampubliko gaya ng economic background, socio-cultural determinants, education, air pollution o exposure to noise.
Ang mga bagay na maaaring mabago at tatalakayin sa sanaysay na ito ay ang mga sumusunod: altapresyon o high blood pressure, problema sa pandinig, paninigarilyo, labis na timbang, labis na kalungkutan (depression), kakulangan sa paggalaw at ehersisyo, dayabetes, kakulangan sa pakikisalamuha sa tao, labis na pag-inom ng alak o mga inuming nakalalasing, pinsala sa ulo at utak, at polusyon mula sa hangin.